ANG MAGANDANG MENSAHE, MGA GAWA, ANG KAHAYAGAN  @Umpisa dito
English Version here

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28



Matthew Chapter 4

1 Nang magkagayo'y inihatid ng Ruchaw YAOHU si YAOHUSHUA sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.
2 At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.
3 At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Maykapal, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.
4 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Maykapal.
5 Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,
6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Maykapal, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
7 Sinabi sa kaniya ni YAOHUSHUA, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin si YAOHU mong Maykapal.
8 Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
9 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.
10 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni YAOHUSHUA, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, kay YAOHU mong Maykapal sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.
12 Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea;
13 At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:
14 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,
15 Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali, Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan, Galilea ng mga Gentil,
16 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw.
17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si YAOHUSHUA, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.
18 At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.
19 At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
20 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.
21 At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.
22 At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
23 At nilibot ni YAOHUSHUA ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.
24 At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga inaalihan ng mga demonio, at ang mga himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya.
25 At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.
Please Read Consent